SUMMER 2016

imageKamusta naman summer ko? Nako! Walang-wala siya sa mga previous kong mga summer. Halos every week namamasyal kami noon. Roadtrip dito, roadtrip doon! From Baguio to Ilocos to Singapore, ganon! Mall dito, mall doon. Foodtrip dito, foodtrip doon. Swimming dito, swimming doon! Ayos diba? God, sobrang saya. Buhay na buhay. Mas masaya pa kasi kasama ko yung mga kapamilya ko. ‘Yun yung mga panahon na nasa Manila pa si ate at saka medyo yayamanin pa kami e. Totoo, beh.

Ngayon, literal na nasa bahay nalang ako. Medyo masakit. Pero okay lang. At least I get to think about my life tuwiing madaling araw (lol kala mo naman talaga e no). And bukod sa medyo naghihirap na kami, may pasyente rin kasi kami sa bahay ni lola. Si Tita Daisy. Di naman kasi siya pwedeng iwan-iwanan lang like hello? She’s a part of the family kaya. Ohana nga diba? No one gets left behind. (Lord, sana po kasi gumaling na po talaga siya. Ayoko na siyang mahirapan. Grabe kasi yung mga sakit na palagi niyang tinitiis, gumaling lang siya sa sakit niya.)

Anyways, grabe rin ‘tong body clock ko e. Nabuang na. Kahit lagi akong puyat, 7 ng umaga pa rin ako nagigising. Tapos pag 9 na, aba’t biglang babagsak lola mo! Ewan ko ba pero inaantok talaga ako lagi ‘pag 9 na, saka naman pag gising ko tanghali na. Parang tanga lang. Walanghiya, self. RIP body clock na nga talaga.

Pero kahit ganon, I find it nice to wake up naman at 7 everyday kasi I get to witness the birds chirping outside, the sunlight passing through the windows, the plants blooming, and the medyo cool atmosphere. Shucks. Ang sarap basahin. Ang ganda. Nakaka-satisfy siya ng puso. Chos! Pero mas maganda kung ma-experience mo ito by yourself. Sobrang lovely, I swear. Feeling mo ang sarap mabuhay. Kaya ikaw, try mo rin gumising ng maaga minsan. Then go out, sit by the terrace, and try mo ring i-appreciate yung mga magagandang bagay (even the little things) sa paligid mo. Masaya ‘yun! Lalo na ‘pag may kasamang kape.

So to sum it all up, kain, tulog, nood TV, hanap inspirasyon, draw, edit pics, write about stuff, listen to TED talks, binge-watch Youtube, ilan lang ang mga ‘yun sa mga ginagawa ko ngayong summer.

Sinusulit ko na nga yung pagiging semi-couch potato ko ngayon e. Alam mo naman, SHS student na sa pasukan. Puro schoolworks na naman. Ew.

So right now, I’m fine naman with staying at home the whole summer. I’m still a lil bit disappointed, though. Pero hey at least I’ll have the perfect opportunity to think about the big things and to try out new hobbies like making qtp2t stickers and contemplating about my life. Heh.

Summer 2016 is “pweds na” for me. Eh ikaw, kamusta naman summer mo?

Oh my gosh! By the way,
MAY THE 4TH BE WITH YOU ALL.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s