SA BAHAY NI LOLA

image

imageShet. Tinatamad na akong mag-update, mga mars. Pero di ako susuko. Magsusulat pa rin ako kahit nag-iinarte ang mga kamay ko. I like documenting I better not give up now! Tutal medyo depress ako ngayon. Why not do something productive, diba?

Nag-stay ako sa Novaliches for almost a week kasi walang guardians sa bahay. It was nakakaiyak at first. (Because, hello, walang internet and walang butter??? Like what kind of house is this? Simpleng palaman wala?) Pero after a while, na-realize ko na I shouldn’t focus on those things. If we want to be happy dapat buksan natin ang ating puso at ang ating mga mata. Through that, matututo tayong makuntento at mapansin ang mga blessings around us. It’s all about the attitude. Di mo alam yung blessings na ‘yun ay mas better pa pala kaysa sa inaasahan mo. For example, yung fact na walang butter pero meron naman palang Nutella. Magdiwang!

So ayun nga. Although walang net, kasama ko naman yung mga pinsan ko sa bahay: sina Weweng parang best friend ko na, yung batang fresh from America na si Kiane (not really my pinsan), si ate Ariane na kahit palaasar ay sobrang bait, ang happy-go-lucky na si kuya Allen, ang adventurous na pamilyang Lee, si kuya John John na tahimik pero masarap mag-bake ng cheesecake, and last but not the least, my favorite of all, ang batang smart and bibo na si Amir! I LOVE THEM SO MUCH. I get to socialize and bond with them and get to know the older ones a little better. I could say that I’m proud of myself kasi awkward talaga ako at mahiyain. I know na I had progress kasi ‘pag nakikipag-usap ako nagiging comfortable na ako e sa kanila, e (referring to ates and kuyas). It’s really a big deal for me. Congrats, self!

imageAnyway, kahit walang internet I tried to be productive naman. Mabuti nalang ay bookworm si ate Ariane at marami siyang books sa kwarto niya! Di mo alam kung gaano ako kasaya nun and kung gaano ako na-touch nung siya pa mismo nag-offer sa’kin na manghiram sa kanya ng libro. Dahil dun I get to read several books like Ed Lapiz’s books and Bob Ong’s Lumayo Ka Nga Sa Akin. Boi, ang dami kong natutunan. Don’t worry. I’ll write about it next time.

image

Masaya talaga ‘pag nasa bahay ni Lola. Promise. Like oh my gosh. Pwedeng aircon all day. Hindi lang yun! May memories din kasi ako ng childhood ko rito. Dito naranasan kong maligo sa ulan, tumalon-talon sa mga puddles, tumikim ng liquid nectar thingy ng Santan flowers, maglaro ng tagu-taguan, maglutu-lutuan the traditional way, atbp. Syempre kasama ko diyan ang daughters of the Beso family! I miss them so much. I love you guys! Miss ko na rin yung garden na palagi nating tambayan dati. Natutuwa ako nun. Yung singaw ng bagong dilig na halaman ang palaging nauunang bumati sa’kin tuwing umaga. Sobrang bango! Too bad garahe na ito. Pero okay lang! Tanggap ko naman na.

AHHHHHHHHHHHHH! I don’t know how to end this blog post. However, gumawa naman ako ng video about my stay there. DI KO PA MA-UPLOAD SA NGAYON, THOUGH. Sad.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s